PBBM, nagpaabot ng suporta at dasal para kay Princess of Wales Kate Middleton

PBBM, nagpaabot ng suporta at dasal para kay Princess of Wales Kate Middleton

Nagpaabot ng suporta at panalangin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa agarang paggaling ng Princess of Wales na si Kate Middleton ng United Kingdom.

Ito ay matapos i-anunsyo ni Princess Catherine sa X na mayroon siyang cancer at sumasailalim sa preventive chemotherapy.


Ayon kay Pangulong Marcos, kaisa ang lahat ng Pilipino sa pagdarasal para sa Royal Princess.

Kaugnay rito, ipinapanalangin din ng pangulo ang maayos na lagay ng kalusugan at patuloy na paggaling ni Catherine, kasabay ng paghiling ng katatagan para sa Royal Family sa harap ng suliranin.

Matatandaang isinapubliko ni Kate ang kanyang kondisyon para tuldukan ang mga haka-haka patungkol sa kanyang pagliban sa official events noong mga nakaraang buwan.

Facebook Comments