Sen. Poe, nananatiling nasa unang pwesto sa pinakabagong RMN senatorial survey

Manila, Philippines – Nananatiling nangunguna sa karera si Senator Grace Poe sa mga kandidato sa pagkasenador sa 2019 midterm elections.

Base sa January 2019 senatorial survey results ng RMN, si Poe ay nakakuha ng 70.65%.

Pumangalawa si Senator Cynthia Villar na may 51.83%.


Statistically tied sa ikatlo hanggang ikalimang pwesto sina Taguig Representative Pia Cayetano (46.03%), dating Senator Lito *L*apid (45.66%), at Senator Nancy Binay (44.93%).

Nakuha naman ni dating Senator Jinggoy Estrada ang ika-anim na pwesto na may 39.13%.

Tabla para sa ika-pito hanggang ika-12 pwesto sina dating Senator Bong Revilla Jr. (35.41%), dating BuCor Chief Ronald Dela rosa (35.07%), dating Secretary Mar Roxas (34.28%), Senator Bam Aquino (34.23%), dating Senator Serge Osmeña (33.44%), at Senator Sonny Angara (33.15%).

Sina Ilocos Norte Government Imee Marcos (30.48%), dating SAP Bong Go (30.42%), Senator Koko Pimentel (30.39%), at Senator JV Ejercito (30.03%) ay tabla sa ika-13 hanggang ika-16 na pwesto.

Isinagawa ang RMN survey mula January 7 hanggang 17, 2019 sa 3,580 radio listeners at registered voters sa buong bansa na may margin of error +/- 2.5%.

Ang survey ay bahagi ng RMN networks na itaguyod ang public awareness at voter’s participation sa 2019 midterm elections.

Facebook Comments