2 DAR official, sisibakin ni PRRD

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may sisibakin siyang dalawang opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) dahil sa korapsyon.

Ayon kay Pangulong Duterte – aatasan niya ang dalawang DAR officials na magbitiw o sasampahan ng kaso kaugnay sa pagkakaantala ng pagpoproseso ng land conversion application na tumagal ng dalawang taon.

Hindi naman pinangalanan ng Pangulo kung sino ang mga opisyal na kanyang tatanggalin.


Muli ring nanindigan si Pangulong Duterte na hindi niya hahayaang palaganapin ang korapsyon sa gobyerno.

Facebook Comments