Sen. Risa Hontiveros, nanawagan sa DFA na kanselahin na rin ang pasaporte ni Pastor Apollo Quiboloy

Nanawagan na rin si Senator Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang pasaporte ng puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.

Ito’y sa gitna na rin ng patuloy na kabiguan ni Quiboloy na humarap sa Senado o kahit sa korte kung saan may mga kinakaharap itong kaso.

Giit ni Hontiveros, panay record ng audio message na mistulang nang iinsulto sa kakayahan ng gobyerno ang ginagawa ni Quiboloy sa halip na magpakita sa Senado o sa korte.


Binigyang-diin ng senadora na nakapanlulumo ito at hindi dapat palagpasin kaya naman maging hamon dapat ito sa pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan para higpitan ang galaw ng pastor.

Sa mga naunang panayam, sinabi ni DFA Spokesperson Teresita Daza na kapag nakansela ang pasaporte ito ay maituturing na “red flag” sa alinmang aplikasyon sa lahat ng DFA consular offices sa loob at sa labas ng bansa.

Facebook Comments