2 magkalaguyong pulis na nahuling nagtatalik sa isang mall parking lot, sibak sa pwesto

Sibak sa pwesto ang dalawang pulis na magkalaguyo maging ang kanilang mga nilokong asawa na kapwa pulis din.

Matatandaang nahuli ang dalawang pulis ng kanilang mga asawang pulis din na nagtatalik sa loob ng isang sasakyan sa isang mall parking sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, nasa restrictive custody na ngayon ang tatlong pulis, habang ang nabaril naman ay kasalukuyang naka hospital arrest.


Aniya, ang apat na mga pulis ay isasalalim sa pre-charge investigation at mahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal na pwedeng ikatanggal nila sa serbisyo.

Kasunod nito, nagpaalala ang PNP sa lahat ng kanilang myembro na umakto ng tama alinsunod narin sa kanilang mandato at principle of morality and professionalism na bahagi rin ng kanilang police officer’s pledge.

Kung maaalala, base sa paunang impormasyon, tinangka pang tumakas ng dalawang magkalaguyong pulis nang mabisto sila ng kani-kanilang mga asawa na nauwe naman sa pamamaril sa gulong sasakyan, habang ang isa naman sa mga ito ay nabaril sa braso ng kanyang sariling misis matapos tumalon mula sa kotse.

Facebook Comments