Sen. Robin Padilla, nagbitiw na bilang EVP ng PDP-Laban

Nagbitiw na bilang Executive Vice President (EVP) ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP-Laban si Senator Robin Padilla.

Sa isinumiteng irrevocable resignation ni Padilla kahapon, May 29, nag-resign si Padilla bilang EVP ng partido pero nilinaw na siya ay mananatiling miyembro ng partido.

Sinabi nito na ang kanyang resignation ay para sa kapakinabangan at kabutihan ng PDP-Laban at mga miyembro nito.


Ipinunto ni Padilla na malaki at maigting ang responsibilidad na kadikit ng tungkulin ng Ikalawang Pangulo habang mabigat din ang mandato niya bilang senador ng bansa.

Mas nararapat aniya ang isang EVP na makapaglalaan ng buong oras para gampanan ang responsibilidad nito sa partido.

Facebook Comments