
Pinahintulutan na ni Senator Robinhood Padilla ang paglalabas ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Networth (SALN).
Nagbigay ng waiver o pahintulot si Padilla para sa kusang loob na pagsasapubliko ng kanyang SALN, alinsunod sa umiiral na batas tulad ng Data Privacy Act at iba pang patakaran at alintuntunin ng pamahalaan.
Nakasaad ito sa liham na ipinadala niya kay Senate Secretary Renato Bantug Jr.
Binanggit ni Padilla ang pakikiisa sa diwa ng ganap na pagpapahayag at katapatan batay sa prinsipyo ng “public office is a public trust” na nasasaad sa Konstitusyon at pagtalima sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Hindi tulad sa ibang opisyal ng gobyerno kung saan sa Ombudsman isinusumite ang SALN, ang mga senador ay isinusumite ang kanilang SALN sa Senate Secretary taon-taon.









