
Nagtalo rin sina Senator Rodante Marcoleta at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaugnay sa paghingi ng kondisyon para maisailalim sa witness protection program (WPP) ang ilang resource persons, tulad ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.
Sa pag-a-apply ng mga Discaya para sa WPP sa ilalim ng Department of Justice (DOJ) ay hinihingi na ibalik muna ng mag-asawang contractor ang mga nakulimbat na kickback mula sa ghost flood control projects.
Iginiit ni Marcoleta na wala sa batas ang restitution pero katwiran ni Remulla wala man sa batas pero ito ang “morally right” na dapat gawin ng mga Discaya na hinihingi din ng ating mga mamamayan.
Sa tingin din ni Remulla, ang kinasangkutan na krimen ng mga Discaya ay financial crime laban sa mga Pilipino at sa bansa at sa bigat nito ay tama lamang na hingiin nila na ibalik ng mga contractor ang kanilang mga kinuha bago madesisyunan na bigyan ng proteksyon.
Nagbabala si Marcoleta na maaaring ma-disbar si Remulla dahil sa mistulang pag-amyenda sa batas ng WPP.
Iginagalang naman ng Kalihim ang opinyon ni Marcoleta at gagawin pa rin nila sa DOJ ang sa tingin nila ay nararapat.









