Sen. Sotto, malabong mapalitan bilang pangulo ng Senado

Manila, Philippines – Kumpyansa sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senator Panfilo Ping Lacson na mananatili si Senate President Tito Sotto III sa pwesto sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo.

Ayon kay Zubiri, hawak pa rin ni Sotto ang malakas na tiwala at kumpyansa ng mga senador at ng mga mananalong reelectionist.

Wala namang nakikitang dahilan si Senator Lacson para palitan si Sotto bilang kanilang pinuno.


Giit ni Lacson, napakaganda ng kalidad ng pamumuno ang ipinapakita ni Sotto dahil kaya nitong ilaban ang paninindigan ng Senado.

Nakakasiguro si Lacson, na kahit kusang loob na iwanan ni Sotto ang liderato ay wala sa mga kasamahan nila sa mayorya ang papayag.

Facebook Comments