Sen. Tito Sotto, naghain ng kasong libelo sa blogger na si Cocoy Dayao

Manila, Philippines – Sinampahan ni Senador Tito Sotto sa Pasay City Prosecutor’s Office ng kasong libelo si Edward Angelo “CoCoy” Dayao na nasa likod ng Silent No More PH.

Ikinagalit ni Sotto ang masasamang salitang ginamit sa kanila, tulad na lamang aniya ng pagtawag sa kanya bilang “rapist, plagiarist” at bastos sa mga single mom.

Matatandaan na binanatan sa isang social media blog ang pitong administration senators, dahil ito sa hindi umano pagpirma sa isang resolusyon na kumokondena sa pagpatay sa mga menor de edad.


Walang hininging danyos ang mamababatas sa blogger pero ang nais ni Sotto ay makulong si Dayao upang hindi pamarisan ng iba.

Paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isinampang kaso ni Senator Sotto laban sa blogger.

Facebook Comments