MANILA – Pinaiimbestigahan ni Sen. Antonio Trillanes sa Senate Blue Ribbon Committee si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umanoy pagpatay sa Davao City na kagagawan ng Davao Death Squad.Sa kanyang priviledge speech kahapon, dinepensahan at nagpakita ng mga ibedensya ang senador na magpapatunay na totoo ang mga ibinunyag ng testigong si Edgar Matobato.Dito ay ipinakita ni Trillanes ang mga papeles ni matobato na magpapatunay na dati itong nagtrabaho sa Davao City Hall, gayundin ang land bank atm at mga permit para sa baril.Kaagad dinepensahan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pangulo laban sa mga akusasyon ni Trillanes.Duda rin si Cayetano sa pagpatay ni Matobato sa sinasabing teroristang si Sali Makdum sa utos umano ng pulis na si Arthur Lascañas.Sa huli, tinanong ni Cayetano si Trillanes kung hinuhusgahan na ba niya si Pangulong Duterte, pero itinanggi naman ito ni Trillanes.
Sen. Trillanes, Binack-Upan Ang Mga Testimonya Ni Edgar Matobato
Facebook Comments