Sen. Trillanes, nanawagan sa publiko na suportahan ang Ombudsman laban sa paninindak ng pangulo

Manila, Philippines – Nananawagan si Senator Antonio Trillanes IV sa mamamayang Pilipino at sa mga cause-oriented groups na magpakita ng suporta kay Ombudsman Conchita Carpio Morales at Deputy Ombudsman Arthur Carandang upang kanilang magampanan ang kanilang tungkulin na panagutin ang mga tiwali sa gobyerno.

Ang apela sa publiko ay ginawa ni Trillanes, makaraang hamunin ni Pangulong Duterte si Ombudsman Morales na mag-resign kasunod ng banta nitong pagpapa-imbestiga at pagpapa-aresto sa mga empleyado ng Ombudsman.

Giit ni trillanes, dapat tigilan na ni pangulong Duterte ang mga paninindak sa mga taong tumitindig para sa tama at para sa katotohanan.


Hamon ni Trillanes kay Pangulong Duterte, huwag magtago sa kapangyarihan ng presidente, magpakalalaki ang pangulo at at harapin ang mga paratang sa kanya.

Ipinunto ni Trillanes na kung walang itinatago si Pangulong Duterte ay pipirma ito ng waiver sa bank secrecy law para malaman ang katotohanan kaugnay sa umano’y bilyong pisong tagong yaman nito.

Facebook Comments