Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Antonio Trillanes IV na isang patibong ang “dinner invitation” ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo.
Sa isang statement, sinabi ni Trillanes na duda siya sa motibo ng pangulo at posibleng may kinalaman ito sa isinampang impeachment complaint ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano.
Ayon kay Trillanes, maaring trap ito ng administrasyon para ma-neutralize si Robredo at magdulot ito ng ‘chilling effect’ sa isinampang impeachment ng oposisyon.
Anya, isa itong taktika na ginamit na noon ni Duterte laban kay Robredo.
Noong Sabado (March 25) kinumpirma ni Duterte na magho-host siya at kanyang pamilya ng isang dinner para sa bise presidente at sa tatlong anak nito.
Facebook Comments