Sen. Villanueva, buo ang pag-asa na pipirmahan ng Pangulo ang security of tenure bill

140

Manila, Philippines – Kumpyansa si Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naipasa nilang security of tenure bill na target tumapos sa kontraktwalisyon.

Binigyang diin ni Villanueva na bagamat hindi binanggit ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang security of tenure bill ay malinaw naman ang mensahe ng pagpapahalaga ng Pangulo sa social protection at sa mga manggagawa.


Sabi ni Villanueva, marami din sa mga miyembro ng gabinete ng pangulo ang pabor sa security of tenure bill tulad ng Department of Finance (DOF) at Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Villanueva, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na naaantala ang paglagda ng Pangulo dahil may ilang probisyon dito ang kanila pang pinag-aaralan.

Facebook Comments