Sen. Villanueva, kumbinsidong kailangan ang martial law sa gulo ngayon sa mindanao

Manila, Philippines – Nauuwaan ni Senator Joel Villanueva ang ginawang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong Mindanao.

Kumbinsido si Villanueva na pag iral ng batas militar sa Mindanao ang tugon sa nakaririmarim na insidente ngayon sa nabanggit na rehiyon.

Giit ni Villanueva, dapat lang kondenahin ang ginawang malagim na pag atake sa Marawi City.


Ang lahat aniya ay dapat maging kaisa sa paghahanap ng epektibong estratehiya sa nabaggit na problema.

Binigyang diin pa ni Senator Villanueva ang buong tiwala sa pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa Mindanao.

Kasabay nito ay umapela ng pagkakaisa at panalangin si Senator Villanueva sa lahat para kaligtasan ng mga inosenteng mamamayan sa Mindanao na matagal ng panahong biktima ng kaguluhan at karahasan.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments