Sen. Villar, nanguna sa senatorial survey ng SWS

412

Manila, Philippines – Nanguna sa kauna-unahang pagkakataon si “Misis Hanepbuhay”, Senadora Cynthia Villar sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa nitong March 28 hanggang 31.

Si Villar ay nakakuha ng 57% na voters preference at naungusan na niya si Senadora Grace Poe na may 48%.

Pumangatlo si dating Special Assistant to the President Bong Go na may 44%.

Pang-apat si Taguig Representative Pia Cayetano na may 42%.

Sumunod sa ikalimang pwesto si Senador Sonny Angara na may 38% habang may 36% si dating Senador Bong Revilla na nasa pang-anim na pwesto.

Tabla sa ikapito at ikawalong pwesto si dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa at dating Senador Lito Lapid na may 35%.

Ika-siyam na pwesto si reelectionist, Senadora Nancy Binay (34%) at naghati sa 10th at 11th spots sina dating Senador Jinggoy Estrada at Senador Koko Pimentel III na kapwa may 30%.

Kukumpleto sa top 12 si Senador Bam Aquino na may 27%.

Facebook Comments