Sen. Zubiri, direktang hinamon ang China na lumayas na sa WPS

Matapang na hinamon ng mga senador at ni Defense Secretary Gibo Teodoro ang China na lumayas na sa bansa.

Ginawa ng mga senador at ng kalihim ang hamon dito mismo sa Pag-asa Island.

Sa ginanap na groundbreaking ceremony na pinangunahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Philippine Navy barracks at Super Rural Health Center sa Barangay Pag-asa, Kalayaan Island, mariing sinabi ng senador sa China na ito ay teritoryo ng bansa kaya lumayas na sila sa Pilipinas.


Ayon kay Zubiri, nasa eroplano pa lang at bago sila mag-landing sa Pag-asa Island ay nakatanggap sila ng mga verbal challenges mula sa China kung saan pinapaalis sila.

Aabot sa mahigit 20 ang Chinese Militia Vessels at barko ng China Coast Guard na tatlong kilometro lang ang layo mula sa dalampasigan ng Pag-asa Island.

Iginiit naman ni Teodoro na subukan lang ng China na direktang pumunta dito sa isla at tiyak na dudugo ang kanilang ilong.

Facebook Comments