Sen. Zubiri, tumanggi na muling sumailalim sa COVID-19 test

Tumanggi si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa mungkahi ni Health Secretary Francisco Duque na muli syang sumailalim sa COVID-19 test.

Ito ay para maberipika ang unang resulta ng test na nagpakitang sya ay positibo sa COVID-19.

Diin ni Zubiri, mas mainam na gamitin ang nalalabing testing kits ng pamahalaan sa mas nangangailangan tuald ng mga frontline medical personnel at mga nagtataglay ng sintomas ng COVID-19.


Ayon kay Zubiri, maayos naman ang kanyang kondisyon at wala nararamandamang sintomas maliban sa bahagyang lagnat na naranasan noong nakaraang miyerkules.

Buo ang paniniwala ni Zubiri na matagumpay na nilalabanan ng kanyang katawan ang virus kaya ipagpapatuloy lang niya ang pagsailalim sa isolation.

Sabi ni Zubiri, papayag syang muling sumailalim sa COVID-19 test kapag dumating na ang 10,000 testing kits na binili ng pribadong grupong Art Rocks mula sa korea para i-donate sa mga ospital.

Facebook Comments