Iraratsada ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang pagtalakay sa pambansang budget ng susunod na taon sa pagbabalik sesyon ng Senado sa Nobyembre.
Ayon kay Senate President Francis Escudero, sa November 4 magbabalik sesyon ang Kongreso at November 5 o 6 planong isalang sa plenaryo ang 2025 national budget.
Sinabi ni Escudero na mula umaga hanggang gabi o hanggang sa madaling araw ay idaraos nila ang sesyon sa loob ng dalawang linggo.
Oras na makalusot sa plenaryo ang budget ay sunod na dadalhin ito sa bicameral conference committee at maaaring tumagal pa ng dalawang linggo ang talakayan dito ng mga senador at kongresista.
Si Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe ang magii-sponsor ng panukalang pambansang pondo sa plenaryo at tiniyak nito kay Escudero na “on track” ang mga komite ng Senado sa paghimay sa mga budget ng iba’t ibang ahensiya.