Senado at Kamara – nagsagawa ng joint ocular inspection sa mga pabahay ng National Housing Authority sa Pandi, Bulacan

Manila, Philippines – Nagsagawa ng joint ocular inspection ang Senado at Kamara sa mga itinayong pabahay ng National Housing Authority sa Pandi, Bulacan.

Kaugnay ito sa isinagawang imbestigasyon ng senate committee on urban planning, housing and resettlement sa programang pahabay ng gobyerno kasunod ng pag-ukopa ng grupong Kadamay sa ilang bahay sa Pandi.

Ayon kay Senator JV Ejercito, chairman ng komite – aalamin ng komite ang mga reklamo sa mga itinayong bahay tulad ng pagiging substandard, walang tubig at kuryente.


Bukod sa mga nasabing reklamo, matatandaang inamin din sa pagdinig ng Senado ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila tinirahan ang mga pabahay na para sa kanila dahil sa maliit ang disenyo ng mga nasabing units.
DZXL558

Facebook Comments