Ngayong araw ay balik-sesyon na ang Senado matapos ang higit isang buwan na session break.
Agad na aatupagin ng mga senador ngayong pagbabalik-sesyon ang debate para sa isinusulong na kontrobersyal na Charter Change (Cha-cha).
Nito lamang nakaraang linggo ay inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution of Both Houses No. 6 kung saan inaamyendahan ang ilang economic provisions ng konstitusyon.
Magkagayunman, ikinalungkot naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na charter change agad ang tatalakayin ng mga senador sa pagbabalik-sesyon na wala naman sa radar ng Senado noong nakaraang taon.
Aniya, ang dapat na iprayoridad ay ang military and uniformed personnel pension fund at maritime zones law at hindi ang Cha-cha.
Facebook Comments