Senado, bumabalangkas na ng guidelines na gagamitin para sa media coverage ng impeachment trial laban kay VP Sara Duterte

Binalangkas na ng Mataas na Kapulungan ang guidelines na gagamitin at susundin para sa isasagawang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Pinangunahan ni Senate Spokesperson Atty. Arnel Jose Bañas ang pagpupulong kasama ang Senate media para pag-usapan ang proseso at mga alituntunin na ilalatag sa impeachment proceedings.

Target na bukas ay matatapos at mailalabas na ang pinal na guidelines at accreditation para sa media coverage ng paglilitis.

Inaasahan kasing bukod sa Senate media ay may ibang mga local at foreign media entities ang magco-cover ng impeachment trial ni VP Duterte.

Samantala, magiging high tech ang pag-imbita at seat assignment ng mga lalahok, dadalo, manonood at mag-co-cover ng impeachment trial sa plenary session.

May QR code ang mga gagamiting ID ng mga papasok sa session hall para sa mabilis na verification at ililimita sa 30 na reporters ang maaaring makapasok sa loob ng session hall.

Facebook Comments