Senado, DOF at DBM, magsasagawa ng briefing para sa Maharlika Investment Fund bill

Magdaraos ng briefing ang Senado at mga economic managers sa susunod na linggo para pagusapan ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.

Pangunahin sa mga inaasahang dadalo sa briefing si Department of Finance (DOF) Sec. Benjamin Diokno at Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman.

Ayon kay Zubiri, layon ng briefing na masagot ang mga katanungan ng mga senador sa sovereign wealth fund lalo’t gobyerno ang nagtutulak nito.


Bukod sa pagkumbinsi ng mga economic managers sa mga senador para paburan ang MIF bill ay bubusisiin din kung paano ito makakatulong sa ekonomiya, sa GDP growth rate at sa infrastructure development.

Paliwanag pa ni Zubiri, magandang makapagsagawa rin ng informal briefings sa nasabing panukala upang magkaroon ng malayang talakayan at mas mahihimay ang usaping ito kumpara sa committee hearing na may limitadong oras at minsan ay hindi pa katanggap-tanggap ang sagot ng mga inimbitahang government agencies.

Facebook Comments