Mga pilipino, maraming dapat ipagpasalamat ngayong Chinese New Year

Ikinalugod ni Deputy Majority Leader at Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos na maraming dahilan ang mga Pilipino sa masayang pagdiriwang ng Year of the Rabbit.

Pangunahing tinukoy ni Delos Santos ang unti-unting pagbangon ng mamamayan mula sa COVID-19 pandemic kaya may pagkakataon ng muling magkasama-sama ang lahat at hindi na kailangang magkulong sa loob ng kanilang tahanan.

Sabi ni Delos Santos, ang ganitong sitwasyon ngayon ay mas nagpapa-igting sa magandang mga relasyon na humahantong madalas sa pagpapakasal at pagbuo ng bagong pamilya.


Kaya naman ayon kay Delos Santos, ang pagtataguyod ng pamilya sa bawat komunidad, puno man ng hamon ay tiyak magiging matagumpay at puno ng ligaya.

Facebook Comments