Senado, handang mag-imbestiga sa umano’y pagtanggal ng Facebook sa post ng ilang government agency at government officials

Handa si Senate Committee on Public Information and Mass Media Chairman Senator Bong Revilla Jr., na magpatawag ng public hearing ukol sa pagtanggal ng Facebook sa post ng ilang opisyal at ahensya ng gobyerno.

Sabi ni Revilla, gagawin niya ang pagdinig kapag hindi sumagot ang Facebook sa kanyang liham na humihiling ng paliwanag.

Una rito ay kinuwestyun ni Revilla ang basehan ng Facebook upang pigilan at alisin ang ang lehitimong mensahe at gawain ng pamahalaan.


Tinukoy ni Revillar ang post ni National Security Adviser Hermogenes Esperon at ng Philippine News Agency, gayundin ang post ni Commission on Higher Education (CHR) Chairman Popoy De Vera ukol sa libreng edukasyon sa bansa.

Marami ring natatanggap na reklamo si Revilla sa tahasang pagsuspinde ng Facebook sa mga account sa hindi malamang kadahilanan at tila pagsupil sa malayang pamamahayag.

Dahil dito ay binanggit ni Revilla na lumalabas na naiimpluwensyahan ng politika ang aksyon ng Facebook at Meta.

Nakakabahala para kay Revilla na ang affairs ng bansa ay nakokontrol ng private foreign corporations bagay na hindi dapat hayaan.

Facebook Comments