Senado, hihilingin kay PBBM na sertipikahang urgent ang ₱100 daily minimum wage increase

Hihilingin ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., na sertipikahang urgent ang Senate Bill No. 2534 o ang ₱100 Daily Minimum Wage Increase Act.

Kaugnay ito sa panawagan ni Pangulong Marcos na i-review ang minimum wages sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Zubiri, ang dagdag na sahod ang pinakamagandang regalo ng pangulo para sa ating mga manggagawa.


Paliwanag ni Zubiri, kung masesertipikahang urgent ang panukala ay mas mabilis na magiging batas at mapapakinabangan ng ating mga manggagawa ang benepisyo mula sa hirap ng epekto ng matinding init ng panahon.

Sa kabilang banda, umaasa ang mambabatas na pangunahing may-akda ng minimum wage increase bill, na maaaprubahan na rin ng Kamara ang counterpart bill.

Naniniwala si Zubiri na ang panukala ang magpapalakas sa labor sector at malaking tulong ito sa panahon ngayon para maka-survive ang publiko mula sa mataas na inflation.

Facebook Comments