Pinayuhan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang Department of Budget and Management (DBM) na simulang pag-aralan na ang rightsizing ng gobyerno.
Sa ilalim ng ‘rightsizing’, maaaring buwagin o kaya pag-isahin ang mga ahensya ng pamahalaan para mas maging epektibo at makatipid ang gobyerno.
Iginiit ni Pimentel na hindi naman kailangan ng batas para pag-aralan ng DBM ang ‘rightsizing’.
Sa pagdinig ng budget sa Senado, sinabi kasi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na hinihintay pa nila na magawa ang batas ukol sa rightsizing ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Pangandaman na kailangan nila ng isang taon para aralin ang batas.
Pero para kay Pimentel, dapat simulan na ng DBM ang pag-aaral sa rightsizing dahil ang gagawing batas ay hindi makatwiran dahil ibibigay naman sa pangulo ang kapangyarihan na magsagawa nito.