Senado, hinimok ang DFA na makipag-negosasyon sa mga bansang may mga nagtatrabahong OFWs

Hinikayat ni Senator Loren Legarda ang Department of Foreign Affairs (DFA) na makipagnegosasyon sa mga bansang may mga nagtatrabahong propesyunal na OFWs.

Ito ay para hindi sila makasama sa mga manggagawang napapatawan ng double taxation.

Kasunod nito ay niratipikahan ng Senado ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei Darussalam para makaiwas sa kasong tax evasion.


Aminado naman si Committee on Foreign Relations Chairman Senator Imee Marcos na maraming manggagawang Pinoy ang pinapatawan ng double taxation sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos at Europa.

Hirit ni Sen. Marcos na iprayoridad ang kasunduan sa mga bansang nagpapataw ng double taxation sa mga OFWs upang matulungan ang ating mga kababayang nagtatrabaho.

Facebook Comments