Senado, inirekomendang kasuhan sina Gen Albayalde at 13 pulis sa kontrobesyal na Pampanga drug raid

Inirekomenda ng Senate Committee on Justice and Human Rights at Blue Ribbon ang pagsasampa ng mga kaso laban kay dating PNP Chief Oscar Albayalde at 13 police na sangkot sa kontrobersyal na drug raid sa Mexico Pampanga noong November 29, 2013.

 

Ito ang laman ng 49-pahinang draft committee report na inilabas ni Senator Richard Gordon na chairman ng nabanggit na mga komite na nagsagawa g imbestigasyon sa isyu ng ninja cops.

 

kabilang sa mga kaso ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, Revised Penal Code, at Anti Graft and Corrupt Practices Act.


 

Dagdag pang kaso sa 13 ninja cops ang pagpaplanta ng ebidensya, robbery, at unlawful arrest.

 

Diin ni Gordon, malinaw sa resulta ng pagdinig ng Senado na hindi nasunod ang tamang proseso sa pagsasagawa ng nabanggit na raid.

 

Kung tutuusin ayon kay Gordon, hindi raid o buybust ang ginawa kundi panghoholdap umano, pang-aagaw ng kotse, at palit ulo.

 

Sabi ni Gordon, kinuha umano ng mga pulis ang fortuner na pagmamay-ari ng naarestong drug lord na si Johnson Lee at ilang beses na ibinenta.

 

Si Lee naman ay pinatubod ng 50-million pesos at ang malaking bahagi ng nasabat na 200-kilos shabu ay kanilang kinuha at nirecycle.

 

Sabay sabay din na nagkaroon ng suv ang mga ninja cops.

 

Ayon kay Gordon, malinaw sa mga testiomonya at evidensya na November 2 e alam si Albayalde sa nangyari dahil bilang dating Pampanga Provincial Police Director ay siya ang Commancing Officer ni Major Rodney Baloyo na syang nanguna sa operasyon.

 

Ipinuntos pa ni Gordon ang pagtawag ni Albayalde kina General Aaron Aquino kung saan niya sinabi na huwag ipatupad ang dismissal sa mga sangkot na pulis kaya nademote lang ang mga ito at ipinatapos sa Mindanao.

 

Binanggit din ni Gordon ang patawag noon ni Albayalde kay Retired Police General Rudy Lacadin kung saan sinabi niya na konti lang naman ang nakuha nya sa  nabanggit na drug raid.

Facebook Comments