Senado, ipinag-utos na ang pagbuo ng fact finding team sa ERC

Manila, Philippines – Inatasan na ng Senado ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na imbestigahan at patawan ng multa ang mga power generation companies na nagsagawa ng shutdown na naging dahilan ng mga brownout sa Luzon.

Sa interview ng RMN Manila kay Senate Committee on Economic Affairs and Energy Chair. Senator Sherwin Gatchalian, pinabubuo niya ng fact finding team ang ERC upang alamin kung totoo bang pumalya ang mga planta o may nangyayaring sabwatan.

Aniya, sakaling mapatunayang may nangyaring manipulasyon sa power supply, marapat lamang na patawan sila ng sanctions.


Kahapon ay nagsagawa ang komite ni Gatchalian ng pagdinig kaugnay sa nangyayari ngayong power crisis kung saan sunod-sunod ang pagsasailalim ng red ay yellow alerts ng Luzon grid.

Dito natuklasan ang mga nakaamba pang malawakang rotational brownout sa mga susunod na linggo.

Facebook Comments