Senado, lilikha ng special committee na tututok sa nasunog na Manila Central Post Office

Pinag-aaralan ng Senado ang pagbuo ng isang special committee na titingin sa rehabilitasyon ng Manila Central Post Office matapos masunog kamakailan.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, layunin ng pagkakaroon ng special Senate committee na mabantayan ang rehabilitation at restoration ng Central Post Office building.

Sa susunod na linggo ay target ni Zubiri na makapaghain ng resolusyon para sa paglikha ng special committee at mabilis din itong maaprubahan.


Nauna rito ay naghain naman si Senator Robin Padilla ng Senate Resolution 627 para imbestigahan ang nangyaring sunog sa postal office upang matukoy kung posible pang ma-preserve at maprotektahan ang mga nawasak o nasirang ‘cultural properties’.

Maging si Senate President Pro Tempore Loren Legarda ay nanindigan na hindi dapat wasakin ang gusali at sa halip gawan ng paraan para ma-i-restore ito.

Facebook Comments