Pulis na nasawi at 2 sugatan sa buy-bust operation sa Bataan, pinarangalan

Binigyang pagkilala ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ang pulis na nasawi at dalawang sugatan sa buy-bust operation nitong Martes sa Orion, Bataan.

Sa kanyang pagbisita sa lamay para kay PCpl. Darnel Alfonso, iginawad ng PNP chief ang Medalya ng Kadakilaan sa pulis na nasawi sa paggampan ng kanyang tungkulin.

Personal ding nakiramay ang PNP chief sa mga naulila ni Cpl. Alfonso at nag-abot ng tulong sa pamilya mula sa PNP.


Samantala, dinalaw rin ni Acorda sa ospital ang dalawang pulis na sugatan sa insidente na sina PMaj. Dennis Duran at PSSG. Glen Salac kung saan ginawaran sila ng Medalya ng Sugatang Magiting.

Facebook Comments