Senado, magpapatupad ng mahigpit na protocols simula sa Lunes, August 8

Simula sa Lunes ay muling magpapatupad ng mahigpit na safety at health protocols ang Senado.

Ito’y makaraang magpositibo sa COVID-19 si Senator Alan Peter Cayetano sa antigen test gayundin ang patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit.

Ayon kay Senate Secretary Rey Bantug, naglabas ng kautusan si Senate President Juan Miguel Zubiri kung saan simula sa Lunes, August 8, ang lahat ng mga guests o bisita na papasok sa loob ng Senado ay kinakailangang magpakita ng negatibong resulta ng antigen test na ginawa sa loob ng 24 oras.


Sa ngayon ay isinasapinal pa ang guidelines para dito.

Umapela naman si Senate Minority Leader Koko Pimentel na limitahan muna ang mga bisitang papasok sa Senado.

Aniya, ang dapat lamang payagan na makapasok sa Senado ay iyong mga may mahahalagang pakay na kailangang dalhin sa mga senador.

Facebook Comments