Senado, magsasagawa ng executive session ngayong araw patungkol sa nangyaring pagsabog sa MSU

Isang executive session ang ikakasa ngayong hapon ng mga senador para talakayin ang nangyaring pagsabog sa Mindanao State University (MSU) noong Linggo.

Kasama sa mga inimbitahan ng Senado para sa executive session ang mga intelligence at law enforcement agencies.

Una nang inatasan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kanilang secretariat na magtakda ng pulong kasama ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Security Council (NSC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) upang alamin ang sitwasyon sa kasalukuyan ukol sa banta ng terorismo.


Kasabay nito nananawagan si Zubiri sa publiko partikular na sa Mindanao na huwag matakot at ituloy ang araw-araw na pamumuhay.

Idinagdag pa ni Zubiri hindi dapat masayang o masira ang lahat ng hakbang ng gobyerno para makamit ang kapayapaan ng dahil lamang sa naturang insidente.

Facebook Comments