Senado, magsasagawa ng imbestigasyon kung saan napupunta ang mga inutang ng gobyerno

Magsasagawa ng imbestigasyon ang mga Senador kung saan napupunta ang bilyong-bilyong piso na inuutang gobyerno para sa gamitin sa paglaban ng bansa sa COVID-19.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, may mga nakaligtaang tulong-pinansiyal gaya ng Special Risk Allowance (SRA) para sa mga health workers.

May mga natatanggap namang reklamo ang mga senador sa social media maging sa ilang mga health worker na hindi pa rin nila natatanggap ang ipinangakong SRA.


Paliwanag ni Lacson, nasa P82.5 bilyong na inutang ng gobyerno para lamang sa bakuna na bukod pa sa ibang inutang para sa pagtugon sa pandemya.

Facebook Comments