Tuesday, March 3, 2026

Senado, magsasagawa ng pagdinig sa aksyon ng pamahalaan kaugnay sa gulo sa Gitnang Silangan

Magpapatawag ng pagdinig sa Biyernes si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo, alamin ang mga hakbang na ginawa ng pamahalaan sa gitna ng krisis sa Middle East.

Giit ni Tulfo, hindi lamang dapat sa Overseas Filipino Workers (OFWs) nakatuon ang gobyerno dahil apektado ang buong bansa sa sitwasyon sa Gitnang Silangan.

Aniya, sa mga susunod na araw ay pinangangambahan ang pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin.

Sisilipin din ng senador kung may sapat na pondong nakalaan at kung ano ang magiging hakbang ng pamahalaan sakaling humiling ng taas-pasahe ang mga public utility vehicle operator.

Iimbitahan sa pagdinig ang mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Energy (DOE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Transportation (DOTr), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments