Thursday, January 22, 2026

Senado, makakalipat na ng New Senate Building sa September 2027

Inaasahang makalilipat na ang Senado sa New Senate Building sa kalagitnaan ng September 2027.

Ito ang commitment ni Senate Committee on Accounts Chairman Ping Lacson sa gitna ng budget deliberations para sa pondo ng Senado sa susunod na taon.

Nangako rin si Lacson na mas mababa na kumpara sa naunang ipinanukala ang gagastusin ngayon sa pagtatayo ng NSB.

Samantala, sinabi naman ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian na nakatipid ang Senado ng P5.4 billion sa 2026.

Aabot lamang sa P8.5 billion ang hinihinging pondo ng Senado sa susunod na taon, higit na mas mababa kumpara sa budget ngayong taon ng mataas na kapulungan na nasa P13.93 billion.

Kinwestyon naman ni Senate Majority Leader Migz Zubiri kung sapat ba ang pondo ng Senado sa 2026 budget para sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng New Senate Building at tugon naman dito ni Gatchalian, mayroon namang multi-year allocation para sa bagong gusali.

Facebook Comments