Maninindigan ang Senado sa deadline nito na tapusin ang pagdinig sa economic charter change o ang Resolution of Both Houses no.6 sa buwan ng Oktubre ngayong taon.
Ayon kay Senate subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Sonny Angara, kapag naaprubahan sa Oktubre ay maisasabay ito sa 2025 midterm election at makakatipid dito ang gobyerno.
Mismong ang saligang batas na aniya ang nagtatakda ng 60-90 araw para magsagawa ng plebesito.
Sa kabilang banda ay malamig ang mga senador sa pagtanggap sa Resolution of Both Houses no. 7 ng Kamara dahil sa paniniwalang dapat ay hiwalay ang pagboto ng mga senador at kongresista at hindi voting jointly dahil sa umiiral sa kanilang bicameralism.
Ang Kamara naman ay target na sa Marso o bago mag Holy week break ang Kongreso ay target na tapusin ang bersyon ng kanilang economic chacha.
-00-