Sen. Hontiveros, hinamon si Pastor Apollo Quiboloy na magpakita muna sa pagdinig ng Senado bago humiling ng kung ano-ano

 

Hinamon ni Senator Risa Hontiveros si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na pisikal na magpakita muna sa pagdinig ng Senado.

Sa gitna na rin ito ng claim ni Quiboloy na nasa panganib ang kanyang buhay kaya hindi siya pwedeng humarap sa pagdinig ng mataas na kapulungan.

Sakali mang hilingin ng pastor sa Senado na ‘virtual’ na lamang ang attendance at hindi na pisikal, iginiit ni Hontiveros na magpakita muna si Quiboloy ng kahandaan na i-honor o kilalanin ang subpoena at humarap muna sa komite na nagiimbestiga sa mga reklamo ng pangaabuso laban sa kanya.


Giit ng senadora, magappear muna si Quiboloy sa komite bago ito humiling ng iba pang arrangement sa pagharap sa pagdinig.

Babala muli ni Hontiveros, kapag hindi humarap si Quiboloy sa susunod na hearing sa March 5 ay aresto na ang susunod dahil ipa-ko-contempt na siya ng mambabatas.

 

Facebook Comments