Senado, naghain ng resolusyon ng pakikiramay at pagkilala sa yumaong dating Senator Rene Saguisag

Inihain sa Senado ang isang resolusyon na naghahayag ng simpatya at pakikiramay ng Senado sa yumaong si dating Senator Rene Saguisag.

Nakapaloob sa Senate Resolution 1009 ang pagkilala sa mga nagawa at kontribusyon sa lipunan at sa bansa ng namayapang dating senador na inihain nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President pro tempore Loren Legarda, Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senate Minority Leader Koko Pimentel.

Nakasaad sa resolusyon na sa buong buhay ng senador ay hindi matatawaran ang paglaban nito para sa katarungan at sa karapatang pantao.


Bukod dito, si Saguisay ay isang mapagpakumbaba, may kakayahan, at may hindi mapapantayang dedikasyon sa pagsisilbi sa mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap at mga tinatanggalan ng karapatan.

Dagdag pa sa resolusyon, ang matatag na legacy ni Saguisag ay karapat-dapat lamang na mailagay sa talaan ng ating kasaysayan at magsilbing gabay sa mga kasalukuyan at mga future public servants at legal practitioners.

Binigyang-diin sa resolusyon na ang pagyao ni Saguisag ay malaking kawalan hindi lamang sa mga naiwang pamilya nito kundi pati sa buong bansa.

Facebook Comments