Senado, nagpasa ng resolusyon na umaawat sa pagbasura ni PRRD sa VFA

Inaprubahan ng Senado ang Senate Resolution No. 312 na humihikayat kay pangulong rodrigo duterte na huwag ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) na kasunduang pinasok ng Pilipinas sa Amerika noong 1999.

Ang resolusyon ay inihain nina Senate President Tito Sotto III, Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Panfilo Lacson, na pinagtibay ng mga senador maliban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Hinihiling sa resolusyon na bigyan muna ng pagkakataon ang ginagawang pag-review ng senado sa magiging epekto ng pagbasura sa VFA sa ekonomiya at seguridad ng ating bansa lalo na pagdating sa intelligence information sharing, at sa tulong na ibinigay ng US sa ating militar.


Tinukoy din sa resolusyon na patuloy ang banta ng lokal at mga dayuhang teroristang grupo at ang pagbasura sa vfa ay maaring makaapekto din sa katatagan ng seguridad sa buong Asia Pacific region.

Binigyang-diin naman ni foreign relations committee chairman senator koko pimentel ang pahayag ni foreign affairs secretray teodoro locsin na dapat isaalang alang ang kabuuang intres ng bansa sa pagbasura sa VFA lalo at malaki ang ambag nito lalo na sa panig ng ating depensa, sandatahang lakas at seguridad.

Binanggit din ni Pimentel ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na simula 1998 ay umaabot na sa $1.3 billion ang donasyon ng Amerika sa ating militar.

Diin naman ni Senate President Sotto, para sa isang developing country katulad ng pilipinas ay napakahalagang mapanatili ang maayos na international relations natin sa ibang mga bansa tulad ng Amerika kung saan may mga benepisyo tayong nakukuha.

Facebook Comments