Senado, nagsagawa ng necrological service para kay dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Ginawaran ng pagkilala ng Senado ang yumaong dating Senador Ramon Revilla Sr. sa pamamagitan ng isang necrological service.

Bilang pag-iingat sa COVID-19, ay limitado ang naging physically present dito kung saan ang ibang senador ay lumahok sa pamamagitan ng video conference.

May mga nagbigay naman ng eulogy na idinaan sa recorded video message tulad nina Robert Jaworski, dating Pangulong Erap Estrada at Gloria Macapagal Arroyo.


Nagbigay din ng eulogy sina dating Senador Joey Lina, Deputy House Speaker Loren Legarda at Senator Richard Gordon.

Kanilang kinilala at pinuri ang mga naging ambag ni dating Senator Revilla sa bansa sa pamamagitan ng pagiging mambabatas, public servant, pagiging producer at magaling na aktor na sumikat sa mga pelikula ukol sa agimat.

Kinalala rin ang mga batas na iniakda ni Revilla na kapapakinabangan ng mamamayang Pilipino.

Iprinisenta naman ni Senate President Vicente Tito Sotto III sa pamilya ng dating senador ang Senate Resolution No. 459 na nagpapahayag ng pakikiramay ng Senado at papuri sa mga nagawa nito.

Naging emosyonal naman si Senator Ramon Bong Revilla Jr. sa kanyang mensahe ng pasasalamat sa mga nakiramay at nagbigay ng tribute sa kaniyang yumaong ama lalo na ang mga physically present sa Senado sa kabila ng pandemya.

At sa harap ng bangkay ng ama ay nangako si Revilla na babangon sya, papatunayan na mali ang mga bintang sa kanya at lilinisin ang kanyang pangalan.

Facebook Comments