Senado, nakikiisa sa mga manggagawa ngayong Labor Day; karapatan ng mga nasa sektor, tiniyak na isusulong

Nagpahayag ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso ng pakikiisa at patuloy na pagsusulong sa karapatan ng mga manggagawa ngayong Labor Day.

Aminado si Senate President Juan Miguel Zubiri na sa kabila ng malaking papel na ginagampanan ng mga manggagawa sa ating ekonomiya, nananatiling undervalued o hindi napahahalagahan ang kontribusyon ng mga nasa labor sector.

Nangako si Zubiri na patuloy na maninindigan ang Senado sa paglaban sa karapatan, sapat na sahod at ligtas na lugar na pinagtatrabahuan para sa bawat Pilipinong manggagawa.


Tiniyak naman ni Senate Committee on Labor Chairman Jinggoy Estrada ang pag-apruba sa panukalang itaas ang basic salary ng mga kawani ng gobyerno.

Samantala, patuloy namang ilalaban ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang dagdag na daily minimum wage sa mga manggagawa sa pribadong sektor, pagtataas sa antas ng kasanayan ng mga manggagawa o “upskilling”, at patuloy na panghihimok sa mga employers na ikunsidera ang iba pang working arrangement sa mga manggagawa upang maibsan ang matinding traffic at init ng panahon.

Facebook Comments