Senado, nanawagan sa Kamara na i-adopt ang Senate version ng Maharlika Investment Fund Bill

Umapela si Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga kongresista na i-adopt ng Kamara ang bersyon ng Senado na Maharlika Investment Fund Bill.

Ang hiling ng Senate President sa mga kapwa mambabatas sa Kamara ay kasunod na rin ng pagsertipika bilang urgent ng pangulo sa Senate Bill No. 2020.

Umaasa si Zubiri na i-a-adopt ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Senate version para sa isinusulong na Maharlika Fund dahil ito ay nilagyan pa nila ng dagdag na mga safeguards upang maiwasan ang anumang maling paggamit nito.


Aniya, kapag kinatigan ng Kamara ang panukala ng Senado ay malaki ang pagasang mapagtibay ito ng Kongreso bago mag-adjourn ang first regular session ng 19th Congress.

Sa Lunes ay ipagpapatuloy ang interpelasyon ng ilan pang senador patungkol sa Maharlika Investment Fund bill at pagkatapos nito ay agad bubuksan ang period of amendments.

Dahil ang panukala ay ‘certified as urgent’, sa susunod na linggo rin target ng Senado na pagtibayin sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang isinusulong na Sovereign Wealth Fund.

Facebook Comments