Nanindigan ang Senate Labor Committee sa version nitong 100 pesos na dagdag sa sahod ng minimum wage earners.
Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, chairman ng komite, napag-aralan nila ito ng mabuti at wala aniya itong magiging mabigat na impact sa employers o sa mga negosyo.
Iginiit din ni Estrada na maging sa kabuuang ekonomiya ng bansa ay wala rin itong magiging epekto.
Tiniyak din ni Estrada na handa silang tanggapin sakaling mas mataas ang magiging version ng Kamara.
Gayunman, aminado si Estrada na naka-depende pa rin ito sa gagawing pag-apruba ng Pangulong Bongbong Marcos.
Facebook Comments