Manila, Philippines – Naniniwala si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na may mapipiga pa siya kay dismissed Police Sr/ Supt. Eduardo Acierto hinggil sa isyu ng nakalusot na billion pesos shabu shipment sa BOC.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi Ni Gordon na kung magsasalita lang si acierto, tiyak na may mababanggit pa ito na mas malaking tao sa likod ng nakalusot na shabu.
Dagdag pa ng senador – bukod sa pag-amin ni dating customs Intelligence Officer Jimmy Guban mabigat din ang naging testimonya ni dating Customs X-Ray Chief Lourdes Mangaoang.
Samantala, iginiit ni Senate President Tito Sotto III na dapat imbestigahan ang mga naging pahayag nina Mangaoang at dating Customs Chief Isidro Lapeña.
Matatandaang inakusahan ni Mangaoang si Lapeña na walang ginawang aksyon sa intelligence report kaugnay ng shabu shipment habang inakusahan naman ni Lapeña ang dating BOC x-ray chief na nagpapagamit sa sindikato ng iligal na droga.
Para kay Sotto, makabubuting magkaroon ng imbestigasyon para malaman kung sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo.