Nilinaw ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na hindi pa pinal ang inihayag niyang plano na muling magsagawa ng pagdinig ukol sa pagkamatay ng 44 na kasapi ng Philippine National Police -Special Action Force sa engkwentro sa mamasapano noong January 2015.
Kasunod ito ng pagbasura ng sandiganbayan sa anti-graft charges laban kina dating PNP Chief Alan Purisima at dating Special Action Forces (SAF) Head Getulio Napeñas.
Paliwanag ni Gordon, kailangan muna nilang pag-aralang mabuti desisyon ng sandiganbayan mamasapano case bago sila pinal na malapagpasya.
Sabi ni Gordon, mahalagang konsultahin munang mabuti ang mga miyembro at staff ng Blue Ribbon Committee upang matukoy kung sapat na dahilan para muli nilang ikasa ang pag-dinig.