Thursday, March 12, 2026

Senado, pinag-aaralan na ang pagbibigay ng “extraordinary powers” sa mga kumpanya ng langis na mang-aabuso sa suplay at presyo ng produktong petrolyo

Pinag-aaralan na ng Senado ang pagkakaloob ng “extraordinary powers” sa Department of Energy (DOE) para matugunan agad ang mga kumpanya ng langis na umaabuso sa presyo ng produktong petrolyo kapag panahon na nasa krisis ang bansa.

Ayon kay Energy Committee Chairman Pia Cayetano, sinisilip na nila ang posibilidad na bigyan ng “extraordinary powers” ang DOE upang aksyunan ng mabilis kapag may mga mang-aabusong kumpanya.

Tinukoy ng senadora na sa kabila ng pagkakaroon pa ng bansa ng sapat na suplay ng langis, may mga gasolinahan na ang nagsara, sinasabing wala nang stock at nagpataw na ng napakataas na presyo.

Tinitingnan ni Cayetano ang posibilidad na gawing kasong kriminal ang ganitong pang-aabuso at mangangailangan ng batas para rito.

Mainam din aniya na mapag-aralan ito dahil maaaring outdated na ang batas at kailangan ding ma-review ng Senado.

Facebook Comments