Senado, pinaghahanap ang DOTr at LTFRB ng matatag na solusyon para sa PUV modernization

Pinayuhan ni Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huwag sayangin ang panahon sa paghahanap ng matatag na solusyon sa public utility vehicle (PUV) Modernization Program.

Kaugnay na rin ito ng desisyon na palawigin hanggang December 31 ang franchise application para sa mga bagong unit ng PUV.

Ayon kay Poe, mula ng mai-rollout ang PUV Modernization Program ay hindi na natapos ang mga hamon sa mga driver at operators para mai-upgrade ang kanilang mga PUV.


Bukod dito, patuloy ding humaharap hanggang ngayon ang mga commuters sa hirap ng araw-araw na pagbiyahe.

Umapela si Poe sa DOTr na samantalahin ng ahensya ang panahon na pinalawig ang jeepney phaseout para planuhin at alamin kung talaga bang ang alok na modernisasyon ay tugon para sa episyenteng transportasyon.

Giit ni Poe, kahit ilang beses pa aniyang magkaroon ng extension para sa PUV Modernization ay walang mangyayaring kalinawan kung wala namang maiaalok na makatotohanang solusyon.

Facebook Comments