Senado, pinagsusumite ang OCD ng assessment report sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino at Uwan

Pinagsumite ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson ang Office of Civil Defense (OCD) ng ground-based disaster assessment report kaugnay ng pinsalang iniwan ng magkakasunod na Bagyong Tino at Uwan.

Layon nito na matiyak na maibibigay ang isang responsive at data-driven na budget para sa rehabilitasyon ng mga sinalantang lugar.

Partikular na hiniling ni Lacson ang kopya ng Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) at Rapid Damage and Needs Assessment (RDANA), na magiging batayan sa paggawa ng mga kinakailangang amyenda sa panukalang budget.

Binigyang-diin ng senador na hindi makakapagpanukala ng tamang amyenda ang Senado at Kamara kung walang datos mula mismo sa ground.

Kung hindi makapagsumite ng mga report, posibleng mapilitan ang Kongreso na magpasa ng supplemental budget; ngunit kung kakayanin naman, maaari itong isama sa kasalukuyang budget.

Facebook Comments